Nakabinbin ang planong paglipat ng Bureau of Corrections’ (BuCor) headquarters sa Masungi Georeserve sa Tanay, Rizal.
Ito ang ibinahagi ni BuCor acting Director-Gen. Gregorio Catapang matapos ang pagdinig sa Senado.
Ayon kay Catapang kailangan pa ng masusing pag-aaral sa plano para sakupin nila ang 270 sa 300 ektaryang ‘georeserve’ dahil kailangan na ikunsidera ang magiging epekto sa kalikasan ng pagpapatayo ng kanilang pasilidad sa lugar.
Matatandaan na nailaan sa BuCor ang 270 ektarya base sa proklamasyon ni dating Pangulong Arroyo noong 2006.
Hinihikayat ng enviromental groups sina Pangulong Marcos Jr., at ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na pigilan ang plano dahil maaring maapektuhan ang Upper Marikina Watershed.
Sinabi naman ni Catapang na hindi nila ipipilit ang plano kung makakasama ito sa kalikasan base sa gagawing pag-aaral ng mga eksperto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.