Security set-up ng mga senador magbabago bunga ng Degamo slay-case

By Jan Escosio March 07, 2023 - 12:52 PM

 

Nababahala na rin ang maraming senador sa kanilang pansariling seguridad matapos ang pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo sa loob mismo ng bakuran ng kanyang bahay sa bayan ng Pamplona.

Ito ang ibinahagi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva matapos ilitaniya ang pagpatay sa mga aktibo at dating halal na mga opisyal sa pagpasok ng administrasyong-Marcos Jr.

“It tells us we need to be more proactive. Enhance security protocols, How would you feel?”  It’s imperative for leaders like us to double check our security. Syempre concern yon,” ani Villanueva matapos tanungin ukol sa gagawing ‘security adjustments’ ng mga senador.

Pagbabahagi pa niya na ilang senador ang nagbalik na ng firing range para magsanay pa ng husto bilang proteksyon sa kanilang sarili at pamilya.

Ayon pa kay Villanueva, umiikot sa buong bansa ang mga senador para ipaliwanag ang kanilang mga adbokasiya kayat napakahalaga na matiyak ang kanilang kaligtasan.

TAGS: news, Radyo Inquirer, Security, senador, set-up, shooting, news, Radyo Inquirer, Security, senador, set-up, shooting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.