Operasyon ng mga jeep sa Metro Manila balik normal na
Balik na sa normal ang pamamasada ng mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila.
Nasa ikalawang araw pa lamang sa isang linggong tigil pasada ang mga drayber at operator para tutulan ang isinusulong na modernisasyon sa sektor ng transportasyon.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, base sa ulat ng Inter-Agency Task Force on tigil Pasada, may mga isolated presence na lamang ng mga rallyista ang nasa nasa Metro Manila.
Ito ay sa mga lugar ng Heritage sa Baclaran, Old Terminal sa Alabang, Monumento sa Caloocan City at Catmon/St. Francis St. sa Malabon.
Una nang nagpaakalat ng Libreng Sakay ang ibat ibang local government units sa Metro Manila pati na ang ibat ibang tanggapan ng pamahalaan.
Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC, Office of Civil Defense (OCD) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nasa 130 na sasakyan ng pamahalaan ang ginamit sa LIbreng Sakay kung saan nasa halos 5,000 pasahero ang naserbisyuhan.
Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tuloy ang implementasyon ng modernisasyon sa sektor ng transportasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.