Pagbasura ng Comelec sa disqualification case laban kay Governor Mamba, hustisya ng mga taga-Cagayan

By Chona Yu March 07, 2023 - 09:39 AM

 

Binigyang diin ni Cagayan Governor Manuel Mamba na nangibabaw ang hustisya nang ibasura ng Comelec En Banc ang petition for disqualification na inihain laban sa kanya ng katunggaling si Zara Lara.

Sinabi ni Mamba na tagumpay ito ng 302,025 Cagayanos na bumoto at nagtiwala sa kanya at patunay kung gaano kabuti ang Panginoon upang mangibabaw ang katotohanan.

Idinagdag ng gobernador na bawat Cagayano na bumoto sa kanya ay batid na wala siyang biniling boto noong eleksyon at pinagsikapan niyang mabigyan ng mabuting pamamahala ang kanilang lalawigan.

Kasabay ng pasasalamat sa Comelec ay ipinangako ni Mamba na gagampanan nito nang mahusay ang tungkulin hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2025.

 

TAGS: Cagayan, Disqualification case, Manuel Mamba, news, Radyo Inquirer, Cagayan, Disqualification case, Manuel Mamba, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.