Lumubog na tanker sa Mindoro nakita na

By Jan Escosio March 06, 2023 - 03:10 PM

DENR PHOTO

Natagpuan na ang lumubog na MT Princess Empress, ang ugat ng oil spill na nakaka-apekto sa katubigan ng Oriental Mindoro.

Sinabi ni Gov. Bonz Dolor ang tanker ay natagpuan sa distansiyang 7.5 nautical miles mula sa Balingawan Point sa bayan ng Pola.

Aniya ang impormasyon ay ibinahagi sa kanya ni Environment Sec. Toni Yulo-Loyzaga.

Bukas ay magpupulong sina Yulo-Loyzaga at Dolor para pag-usapan ang mga datos ukol sa eksaktong lokasyon ng lumubog na tanker.

Hinihinala na may naiwan pang langis sa tanker at kakalat pa ito sa mga kalapit na bayan.

Magugunita na lumubog ang MT Princess noong Pebrero 28 at ito ay mat karga na 800,000 litro ng industrial oil.

Sa ngayon, apektado na ng oil spill ang 10 bayan, 34 marine protected areas at 36,000 ektarya ng coral reefs, mangorves at sea grass.

 

TAGS: coral reefs, DENR, Mindoro, Oil Spill, coral reefs, DENR, Mindoro, Oil Spill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.