Inaasahan na ihahain ngayon araw sa Senado ang resolusyon ng pagkondena sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo noong Sabado ng umaga sa bayan ng Pamplona.
Ito ang sinabi ni Majority Leader Joel Villanueva.
Bukod sa kanya, pumirna na sa resolusyon sina, Senate President Juan Miguel Zubiri, Senate President Pro Tempore Loren Legarda, Senators JV Ejercito, Nancy Binay, Grace Poe, Raffy Tulfo, Sonny Angara, Ronald Dela Rosa, Ramon Revilla, Jr. Francis Tolentino, Sherwin Gatchalian, Jinggoy Ejercito Estrada, Mark Villar at Christopher Go.
“Injustice and violence do not have a place in any civilized society and no cause justifies such brutalities against the lives of all persons,” ang nagkaisang pahayag ng mga senador.
Hinikayat din ng mga senador ang pambansang pulisya at iba pang kinauukulang ahensiya na gawin ang lahat para mabigyan ng katarungan ang pagpatay kay Degamo, gayundin sa walong iba pa na nadamay.
Inatasan din ang PNP na gawin ang lahat para matuldukan na ang mga karahasan at patayan sa bansa.