Hindi lalahok ang ilang transport groups ang inanunsiyong isang linggo na tigil-pasada na magsisimula ngayon araw, ayon sa Malakanyang.
Sa inilabas na pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), 11 grupo ng mga operators at driver ng jeepney at UV Express sa Metro Manila ang tutol pa sa pagsasagawa ng tigil-pasada.
Ito ang National Federation of Transport Cooperatives (NFTC), Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP), Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), Pasang Masda (PM), Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), Stop and Go Coalition, Senate Employees Transport Service Cooperative (SETSCO), UV Express National Alliance of the Philippines (UV Express), at ACTO NA CORP.
Ilang transport groups din sa Visayas at Mindanao ang nangako na papasada sa kanilang mga ruta.
Ang transport strike ay pangungunahan ng grupong Manibela dahil sa kanilang pagtutol sa ilang nakapaloob na hakbang sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.