Muntinlupa City nagtalaga ng anim na ruta ng libreng-sakay
By Jan Escosio March 05, 2023 - 11:48 AM
Magpapakalat ang pamahalaang-lungsod ng Muntinlupa ng kanilang city bus, trucks, flexi vans, e-jeepneys, at iba pang sasakyan para sa libreng-sakay ng mga maaapektuhan ng hindi pagpasada ng mgha pampublikong sasakyan.
Ayon kay Mayor Ruffy Biazon nagtalaga sila ng anim na ruta kung saan bibiyahe ang mga ‘libreng sakay’ vehicles.
Ang mga ruta na tatahakin simula ala-5 ng madaling araw hanggang alas-9 ng gabi ay ang mga sumusunod;
– RMT hanggang Alabang Viaduct at vice versa (National Road)
– Alabang Viaduct hanggang Sucat at vice versa (East Service Road)
–South Station hanggang Sucat at vice versa (West Service Road)
– South Station hanggang Buencamino at vice versa (Alabang-Zapote Road)
–Biazon Road (Southville III)
–Sucat to Poblacion at vice versa (Baybayin)
Kasabay nito, inanunsiyo ni Biazon na bukas, Marso 6 hanggang sa Martes, Marso 7 ay ipapatupad ang asynchronous/synchronous classes sa public elementary at high schools sa lungsod.
Aniya nasa diskresyon naman ng private school kung sila ay tuloy ang face to face o magbabalik muna sa online classes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.