Taguig City LGU magkakasa ng libreng sakay, city public schools online classes muna

By Jan Escosio March 05, 2023 - 11:33 AM
Simula bukas, Marso 6 sa ganap na ala-5 ng madaling araw hanggang alas-9 ng umaga at alas-4 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi ay mag-aalok ang pamahalaang-lungsod ng Taguig ng libreng sakay Sinabi ni  Mayor Lani Cayetano, ito ay para mga mananakay na maaapektuhan ng inanunsiyong tigil-pasada. Tinukoy  na rin ni Cayetano ang mga ruta ng libreng sakay: \Route 1: Bagumbayan → Cayetano Blvd. corner General Luna (vice versa) Route 2. Napindan/Tipas/Sta. Ana → Cayetano Blvd. corner General Luna (vice versa) Route 3. Waterfun → Market-Market (vice versa) Route 4. Waterfun → Gate-3 (vice versa) Route 5. DOST → Market-Market (vice versa) Route 6. BCDA Petron → Market-Market (vice versa) Route 7. Cayetano corner Gen. Luna → Petron BCDA Sinabi pa ni Cayetano na ang mga sasakyan na kanilang ipapakalat para sa libreng sakay ay may  signages na “Libreng Sakay hatid ng City of Taguig” at may official logos ng lungsod. Samantala, inanunsiyo na rin na suspindido muna ang face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan sa lungsod dahil na rin sa transport strike. Inatasan naman ang pamunuan ng mga paaralan na magsagawa muna ng online classes at ang mga private schools ay hinikayat na gawin na rin ito.

TAGS: face-to-face classes, online classes, taguig, transport strike, face-to-face classes, online classes, taguig, transport strike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.