Negros Oriental Governor Roel Degamo patay sa pamamaril

 

 

Patay si Negros Oriental Governor Roel Degamo matapos pagbabarilin ng anim na suspek sa Brgy Isidro, Pamplona.

Ayon sa ulat, namimigay ng ayuda si Degamo sa kanyang bahay nang pagbabarilin ng mga salarin.

Nagtamo ng tama ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan si Degamo at binawian ng buhay kaninang pasado 11:00 ng umaga.

Nasugatan ang ilang sibilyan matapos tamaan ng bala.

Nabatid na nakasuot ng full battle gear ang mga suspek.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis kaugnay sa naganap na insidente.

 

Read more...