Malakanyang todo handa kontra transport strike

By Chona Yu March 04, 2023 - 09:36 AM

 

Todo paghahanda ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ikinakasang tigil pasada sa Marco 6 hanggang 12.

Ito ay sa kabila ng pangako ng transport group na 94 porsyento sa mga drayber ang hindi sasali sa transport strike.

Sa Inter-Agency meeting na pinangunahan ni Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevarra, naglatag ng ibat-ibang contingency plan ang mga tanggapan ng gobyerno.

Inatasan na ang Philippine National Police na i-deploy ang regional assets na 41 na transport vehicles.

Inatasan din ang PNP na panatilihin ang peace and order habang isinasagawa ang transport strike.

Inatasan din ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Transportation (DOTr) na tumulong sa PNP sa pag-monitor sa sitwasyon sa lugar na apektado ng strike.

Nasa 106 na transport vehicles ang ipakakalat ng MMA at ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Pinag-aaralan na ng MMDA at ng DOTr na suspendihin na muna ang implementasyon ng number coding scheme sa Metro Manila.

Una nang sinabi ni Pangulong Marcos na kailangan nang isulong ang modernisasyon sa mga pampublikong sasakyan para masigurong ligtas ang mga pasahero.

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., Malakanyang, news, Radyo Inquirer, stranded, tigil pasada, transport strike, Ferdinand Marcos Jr., Malakanyang, news, Radyo Inquirer, stranded, tigil pasada, transport strike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.