(Courtesy: PIA-Mimaropa)
May mga patay na isda at mga sea birds na sa dalampasigan ng brgy Tagumpay, Pola, Oriental Mindoro.
Ito ay matapos magkaroon ng oil spill sa paglubog ng MT Princess Empress na may karga na 800,000 litro ng industrial fuels.
Ayon sa ulat ng Philippine Information Agency-Mimaropa, tuloy naman ang ginagawang paglilinis sa coastal areas na apektado ng insidente.
Nagsagawa na rin ng inspeksyon si Environment Secretary Toni Yulo-Loyzaga sa bayan ng naujan para alamin ang lawak ng pinsala ng oil spill.
Nais malaman ni Loyzaga ang lawak ng pinsala ng oil spill pati na ang danyos sa Marine Protected Areas at kabuhayan ng mga mangingisda sa Oriental Mindoro.
MOST READ
LATEST STORIES