Road Users’ Tax nais ni Sen. Grace Poe na gamitin sa PUV Modernization Program

By Jan Escosio March 03, 2023 - 02:33 PM

Senate PRIB photo
Iminungkahi ni Senator Grace Poe na gamitin ang pondo ng Motor Vehicle Users’ Charge (MVUC) sa pagbibigay ng subisidiya sa mga drivers at operators sa pagkasa ng PUV Modernization Program.   Nabanggit na ito ni Poe sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Committee on Public Services ukol sa naturang programa sa sektor ng pampublikong transportasyon. Aniya nauulit lamang ang MVUC sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) gaya ng pagsasa-ayos at rehabilitasyon ng mga kalsada.   Kayat hinihikayat na rin ng senadora ang mga kapwa na mambabatas na ikunsidera ang pag-amyenda sa MVUC Law para lubos na mapakinabangan. Maaring magamit aniya ang pondo sa pagbibigay ng dagdag subsidiya para sa pagbili ng modernong pampublikong sasakyan.

TAGS: grace poe, Jeep, modernization, news, PUV, Radyo Inquirer, grace poe, Jeep, modernization, news, PUV, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.