Si Marquez ang bagong PNP Chief

July 14, 2015 - 12:02 PM

marquez
Kuha ni Erwin Aguilon

(updated) May bago ng hepe ang Philippine National Police.

Si Police Director Ricardo Marquez ang hinirang ni Pangulong Aquino bilang bagong hepe ng PNP.

Inanunsyo ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Mar Roxas ang pagkakahirang ng pangulo kay Marquez.

Ayon kay Roxas, nahirapang magdesisyon si Pangulong Noynoy Aquino sa pagpili ng bagong pinuno ng pambansang pulisya.

Sinabi ni Roxas na maraming isinaalang-alang si PNoy sa pagde-desisyon. Isa aniya sa inisip ng Pangulo ay ang pumili ng PNP Chief na hindi magreretiro bago mag-eleksyon sa 2016.

Si Marquez ay unang nakilala ni Pangulong Aquino noong nagkaroon ng hinihinalang kaso ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS) sa bansa kung saan si Marquez ang naghanap sa mga pasahero na nakasabay ng pinaghinalaang biktima.

Samantala, sa kaniyang pahayag sinabi ni Marquez na tinatanggap niya ang hamon para pamunuan ang mahigit 160 thousand na pwersa ng pambansang pulisya.

“Makakaasa ang ating mga kababayan na pa-iigtingin namin ang mga crime prevention programs namin. I’ve asked anong dapat traits ng PNP Chief. Sabi dapat tatay ng lahat ng miyembro ng organization. ‘Yun ang isang role ng leader.,” ayon kay Marquez.

Si Marquez ay nakatakdang magretiro sa Agosto ng sususnod na taon. Miyembro siya ng PMA class 1982.

Ayon naman kay outgoing PNP – OIC Leonardo Espina, mailalarawan niya si Marquez bilang isang “napakasipag” na opisyal ng PNP./ Erwin Aguilon

TAGS: new pnp chief, Radyo Inquirer, ricardo marquez, new pnp chief, Radyo Inquirer, ricardo marquez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.