Walang pilitan sa transport strike – Piston prexy

By Jan Escosio March 03, 2023 - 12:42 PM

 

Malaya ang mga operator at driver na sumali o patuloy na pumasada sa Lunes, Marso 6, kasabay ng pagkasa ng isang linggong tigil-pasada.

Ito ang nilinaw ni Mody Floranda, ang national president ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper  at Operator Nationwide (Piston).

Ipinaliwanag ni Floranda na ang kilos-protesta ay gagawin para lang maipakita sa sambayanan ang tunay na kalagayan nilang nabubuhay sa sektor ng pampublikong transportasyon.

Bago ito, umatras na sa pagsali ang grupong ACTO dahil sa mga pangamba sa kaligtasan ng mga driver, gayundin sa pagbawi sa kanilang prangkisa.

Ang grupong Manibela ang unang nang-anunsiyo ng tigil pasada para ipakita ang pagtutol nila sa memo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ukol sa konsolidasyon ng mga kooperatiba at prangkisa.

Ang kautusan ay bahagi ng isinusulong na Private Utility Vehicle Modernization Program.

TAGS: news, PISTON, Radyo Inquirer, transport strike, news, PISTON, Radyo Inquirer, transport strike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.