Pagsasabatas ng panukala para sa benpisyo ng barangay health worlers isinusulong ni Lapid
Hiniling ni Senator Manuel ‘Lito” Lapid na ipasa na ang Senate Bill (S.B.) No. 1911 o ang ‘Magna Carta of Barangay Health Workers.’
Layon naman aniya ng kanyang panukala na maresolba na ang matagal ng isyu ukol sa kapos na kompensasyon at benepisyo ng Barangay Health Workers (BHWs).
Ito ay pagkilala, dagdag pa ni Lapid, sa napakahalagang ginagawa ng BHWs para mapangalagaanang kalusugan ng mamamayan.
“Napakalaki po ng papel na ginagampanan ng ating mga Barangay Healthcare Worker sa ating health care system. Sila po ay nagbibigay ng napakahalagang serbisyo sa ating mga kababayan, lalo na sa mga liblib at mga lugar hindi regular na naseserbisyuhan ng ng ating mga government healthcare facilities. Gayunpaman, sa kabila ng kanilang kritikal na tungkulin, patuloy silang nagdurusa mula sa mababang sahod, kakulangan ng mga benepisyo, at hindi sapat na suporta mula sa gobyerno,” diin ng senador.
Nakapaloob sa panukala ang pagbibigay ng mga karagdagang benepisyo, insentibo, kompensasyon, libreng pag-aaral at pagsasanay.
“Layunin rin nito na pagbutihin ang katayuan ng ating mga BHW sa pamamagitan ng pagsisiguro na natatanggap nila ang pagkilala at suporta na nararapat sa kanila para sa kanilang napakahalagang kontribusyon sa ating lipunan,” dagdag pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.