Voters education, dapat nang isama sa curriculum-COMELEC
Dismayado si Commission on Elections (COMELEC) Spokesman James Jimenez dahil bagama’t balik eskwela na ngayon, hindi pa rin kasama sa asignatura ang voters education.
Ayon kay Jimenez, matagal nang itinutulak ng COMELEC na isama sa asignaturang social studies ang voters education.
Sa ganitong paraan, sinabi ni Jimenez na mabibigyan ng tamang gabay ang kabataan na pumili ng tamang kandidato tuwing sasapit ang araw ng halalan.
Una nang sinabi ng Department of Education (DepEd) na umabot sa 25 milyong estudyante ang balik eskwela kahapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.