Walang pang Filipino na biktima sa Greece train crash

By Jan Escosio March 03, 2023 - 08:34 AM
Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala pang ulat na may napabilang na Filipino sa mga biktima nang pagbanggaan ng dalawang tren sa Tempi, Greece kamakailan. Kasabay ito nang paglobo na sa 57 ang bilang ng mga namatay sa pagbanggaan ng passenger train sa freight train matapos baybayin ang iisang riles.   Nabatid na 350 ang sakay ng passenger train.   Sinabi ni DFA spokesman Teresita Daza, patuloy ang pagberipika ng Embahada ng Pilipinas sa Athens ukol sa mga biktima para malaman kung may Filipino sa mga ito.   Ang gobyerno ang sinisisi sa trahedya ng mamamayan at maging ang mga nagta-trabaho sa riles ay nagsagawa na ng kilos-protesta.

TAGS: Crash, Greece, news, Pinoy, Radyo Inquirer, Train, Crash, Greece, news, Pinoy, Radyo Inquirer, Train

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.