Reklamong hazing ikinasa sa anim na persons of interest sa DOJ

Paglabag sa Anti-Hazing Act of 2018 ang isinampa laban sa anim na person of interest sa kaso ng pagpatay kay Adamson University student John Matthew Salilig.

Ibiniyahe ang mga sinasabing miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity mula sa Binan City Police Station sa Laguna patungo sa Department of Justice (DOJ) kung saan naman sumailalim sa inquest proceedings.

Isinampa ang reklamo base sa testimoniya ng isang kasama ni Salilig na sumailalim din sa welcoming rites ng kapatiran.

Base naman sa resulta ng autopsy sa 24-anyos na biktima, namatay ito sanhi ng labis na pagkabugbog ng babang bahagi ng kanyang katawan.

Ayon sa pulisya, 15 sa 18 suspek sa kaso ang nakilala na.

Magugunita na natagpuan ang bangkay ni Salilig sa isang bakanteng lote sa Imus, Cavite at positibo siyang kinilala ng kanyang nakakatandang kapatid, na miyembro din ng naturang fraternity.

Samantala, naiuwi naman na sa Zamboanga City ang mga labi ni Salilig at sinalubong ito ng kanyang ama na si Jeofrey, Mayor John Dalipe at Police Col. Alexander Lorenzo, ang hepe ng pulisya sa lungsod.

 

 

Read more...