83 Filipinos nahatulan ng kamatayan sa ibang bansa, 56 nasa Malaysia
May 83 Filipino na nahatulan ng parusang kamatayan sa ibat-ibang bansa at 56 sa kanila ay nasa Malaysia, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ibinahagi ito ni Foreign Affairs Asec. Paul Raymond Cortes sa pagdinig ng House Committee on Overseas Workers Affairs, na pinamumunuan ni KABAYAN Party-list Rep. Ron Salo.
Aniya sa mga nahatulan sa Malaysia, 30 ang nasentensiyahan dahil sa pagpatay, 18 sa drug trafficking, at walo ay dahil sa pag-aaklas laban sa hari ng Malaysia noong 2013 Lahad Datu siege.
Ayon kay Cortes dahil pinal na ang sentensiya sa mga Filipino gumagawa sila ng paraan para mabigyan ang mga ito ng pardon.
Karamihan din sa 56 ay nakabase sa Sabah.
“Marami sa kanila nasa disputed territory natin ng Sabah. Ito yung mga kababayan natin na sometimes, they live across tnhe border, leave by banca and go to the other side. Doon na sila nagkaroon ng kabuhayan and they started having families there,” paglalahad pa ng opisyal.
Samantala, may anim na nahatulan ng parusang kamatayan sa United Arab Emirates (UAE), lima sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA).
May 2,104 ibat-ibang kasong kriminal naman ang isinampa laban sa OFWs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.