Higit 900 mahihirap na pamilya sa QC biniyayaan ng Philhealth coverage

By Chona Yu March 02, 2023 - 02:09 PM

Mahigit 900 mahihirap na pamilya sa District 4 sa Quezon City ang nabigyan ng libreng PhilHealth coverage.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte maaaring magamit ng mga benepisyaryong QCitizen ang kanilang PhilHealth ID sa pagpapakonsulta sa doktor, health risk screening and assessment, at piling laboratory tests at gamot.

Mismong si Belmonte ang namigay ng kanilang membership ID, kasama sina District 4 Action Officer Al Flores, Mr. Jose Sidfry Panganiban ng Philhealth QC, at Eileen Velasco ng SSDD – Community Outreach Division.

Target ng lokal na pamahalaan na mabigyan ang aabot sa 23,000 mahihirap na pamilyang QCitizen ng libreng Philhealth membership upang mawala na ang kanilang pangamba sa gastusin kung sakaling may maospital na miyembro ng kanilang pamilya.

TAGS: laboratory, philhealth, QC, laboratory, philhealth, QC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.