Isyu sa South China Sea pinag-usapan nina PBBM at Malaysian PM Ibrahim
Tinalakay nina Pangulong Marcos Jr. at Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim ang usapin ukol sa South China Sea.
Sa joint press statement, sinabi ni Anwar na kaisa siya sa pananaw ni Pangulong Marcos na dahil sa complexity at sensitibo ang isyu sa South China Sea, kinakailangan na gamitin ang multilateral level sa mga bansang kasapi sa Association of Southeast Asian Nations para magkaroon ng resolusyon sa problema.
“We did discuss the South China issue and I shared President Marcos Jr.’s concern that due to the complexity and sensitivity of the issue, we should try and engage and take the position at a multilateral level between ASEAN so that we have a comprehensive approach and achieve an amicable resolution to this outstanding problem,” pahayag ni Anwar.
Isa ang Malaysia sa mga umaangkin ng teritoryo sa South China Sea.
Bukod sa South China Sea, tinalakay din ng dalawang lider ang pagpapalakas sa seguridad, kalakalan at investment exchanges sa pagitan ng dalawang bansa.
“Prime Minister Dato’ Seri Anwar Ibrahim and I had a cordial and productive discussion on Philippines-Malaysia bilateral cooperation, reaffirming our two countries’ desire to revitalize relations as we traverse past the pandemic then through the years towards a new normal. As immediate neighbors, the Philippines and Malaysia recognize the importance of maintaining peace and security in our region,” pahayag ng Pangulo.
Sabi ng Pangulo, mahalaga na mapanatili ang peace at security sa rehiyon.
“As such, we agreed to continue our cooperation on political and security matters, rekindling the Joint Commission Meetings and joint initiatives to combat transnational crime and terrorism,” pahayag ng Pangulo.
Si Anwar ang unang head of state na bumisita sa bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.