Kita ng ‘Kadiwa ng Pangulo’ sa Cebu kumita ng P1M

By Chona Yu March 01, 2023 - 08:49 PM

Umabot sa halos P1 milyon ang benta sa dalawang araw na Kadiwa ng Pangulo sa Cebu.

Ayon sa Palasyo, umabot sa mahigit P412,000 ang naibentang halaga ng produkto noong Pebrero 27 at nasa mahigit P518,000 naman ang naibenta kahapon.

Nabatid na mula Nobyembre 5 hanggang Disyembre 31, umabot na sa P136.14 milyon ang naibenta ng Kadiwa activities. Ito ay ang  Kadiwa Store, Kadiwa Pop-up Store, Kadiwa on Wheels, at Kadiwa ng Pasko sa buong bansa.

Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang launching ng Kadiwa ng Pasko sa Cebu.

Pangako ng Pangulo, pararamihin pa ang Kadiwa stores sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Sa ngayon, nasa 500 Kadiwa stores na ang nakakalat sa bansa.

TAGS: mura, pangunahing bilihin, mura, pangunahing bilihin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.