JV bumuwelta kay Mayor Zamora: Isyu ng hindi pagbabayad ng terminal leave pay, hindi pulitika

By Jan Escosio March 01, 2023 - 06:35 PM

SENATE PRIB PHOTO

Mariin pinabulaanan ni Senator JV Ejercito na pulitika ang kanyang motibo sa pag-apila niya kay San Juan City Mayor Francis Zamora na ibigay na ang ‘terminal pay’ ng ilang nagretirong kawani ng pamahalaang-lungsod.

Punto por punto na sinagot ni Ejercito ang naging pahayag ni Zamora ukol sa kanyang ibinahaging hindi pa pagbabayad pa ng P40 million terminal pay ng 20 retiradong kawani ng pamahalaang-lungsod.

Una aniya hindi masasabing may motibong pulitikal ang kanyang apila dahil ang pera ay pinaghirapan ng mga nagretirong kawani sa ilang taon nilang paglilingkod sa lungsod.

Bagamat ibinahagi ng senador na ilan sa mga hindi pa nababayaran ay nagsimulang magsilbing sa termino pa ng kanyang ama na si dating Pangulong Estrada, sa kanyang kapatid na si Sen. Jinggoy Estrada, maging sa kanyang administrasyon hanggang sa kanyang ina, si dating Mayor Guia Gomez.

“Hindi po ito political. Paulit-ulit kong sinabi na ako ay nakikiusap. The tremendous progress and development of San Juan can be attribuited to these people. From what I know and according to the law, terminal leave  pay is payment for services rendered. Kumbaga pera po yan ng empleado and  within 30 days it has to be released already,” ani Ejercito.

Ukol naman sa isyu ng utang sa buwis ng mga sinundan na administrasyon ni Zamora, paliwanag ni Ejercito na ang mga ito ay kinuwestiyon nila sa Bureau of Internal Revenue (BIR), partikular na ang pagturing sa San Juan Medical Center bilang pribadong pagamutan, gayundin sa paniningil ng LGU ng parking fees.

Idinikit ni Zamora sa kanyang paliwanag sa pahayag ni Ejercito na higit P200 milyon ang utang sa buwis na iniwan ng administrasyon ng kanilang pamilya at ito ay napakiusap niya na ibaba sa higit P40 milyon at ito ay nabayaran na.

Ngunit diin ng senador, ang ibinayad ni Zamora ay dapat ipinambayad muna sa ‘terminal leave pay’ ng mga empleado dahil hindi pa nareresolba ng BIR ang pagkuwestiyon sa hindi pagbabayad ng buwis ng pamahalaang-lungsod.

TAGS: Ejercito, leave, pay, san Juan, terminal, Zamora, Ejercito, leave, pay, san Juan, terminal, Zamora

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.