Pangulong Marcos Jr., umapila na hindi ituloy ang tigil-pasada
Nakiusap si Pangulong Marcos Jr. sa mga public transport drivers at operators na huwag nang ituloy ang planong isang linggo na tigil-pasada.
Sinabi ni Pangulong Marcos Jr., kawawa kasi ang tinatayang may dalawang milyong pasahero.
“It’s not that simple but I’m hoping na dito sa mga initiatives na iniisip natin eh makumbinsi naman natin ang mga transport groups na huwag na muna mag-strike dahil kawawa talaga ang mga tao at marami pang naghihirap at mas lalo pang maghihirap pag hindi makapasok sa trabaho,” pahayag ng Pangulo.
Pagbabahagi niya gumagawa na ng mga hakbang ang gobyerno gaya ng pagbibigay ng libreng sakay.
Binigyang diin pa ng Pangulo na mahalaga rin na maipatupad ang modernisasyon sa mga pampublikong sasakyan para masigurong ligtas ang mga pasahero.
“Ngayon, sa issue ng modernization, sa aking palagay, ay kailangan ding gawin talaga ‘yan. Ngunit, sa pag-aaral ko, parang hindi naging maganda ang implementation nung modernization.Tama naman yun. Kailangan safe yung mga jeepney, yung mga tricycle, yung mga bus, kailangan safe ‘yan. Pero iba-iba yung naging standards ng kanilang ginawa,” sabi
Mahalaga aniya na masuri ang mga pampublikong sasakyan para sa kaligtasan ng mga pasahero.
“Pero we to implement it in a different way. We have to implement it in a different way.Yung modernization siguro, we have to look properly at what the real timetable is for the introduction of electric vehicles. Kung talagang kailan– kung pwede na ngayon– palagay ko hindi pa pwede ngayon, 30 percent pa lang ng power natin is renewable, eh. So hindi pa urgent sa ngayon. Hindi pa kaya ng imprastraktura natin. So we have to build that up,” pahayag ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.