Nadiskubreng biofertilizer magpapababa ng presyo ng abono

By Chona Yu March 01, 2023 - 10:33 AM
Asahan nang mababawasan ang problema sa  fertilizer o abono sa bansa, ayon kay Pangulong  Marcos Jr.,  dahil sa natuklasang biofertilizer na maaring magamit ng mga magsasaka. Aniya  mababawasan na ang pagiging dependent ng mga magsasaka sa mahal, imported at petroleum-based na mga abono. “We are totally dependent on petroleum-based fertilizer – now, we are going to introduce biofertilizer to our farmers and teach them how to use it. And hopefully, this will ease our concerns when it comes to the supply of fertilizer. And we can fully control the availability of biofertilizer,” pahayag ni Pangulong Marcos. Isinulong ng Pangulo ang paggamit ng  biofertilizer hindi lamang dahil sa mataas na presyo ng regular na abono kundi masiguro na may available at sapat na suplay sa merkado. Inamin naman nito na may kamahalan ang biofertilizer pero maaring maging mura ang presyo nito lalo na kung magagawa ito sa Pilipinas. “Kayang-kaya daw dito i-produce sa Pilipinas ‘yan. And furthermore, there are many technologies from UPLB, from the other SUCs, the agricultural colleges, marami silang na-research, na-develop na technologies diyan sa biofertilizer,” pahayag ni Pangulong Marcos.

TAGS: fertilizer, imported, Mahal, fertilizer, imported, Mahal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.