Mga ‘Ulama’ at iba pang grupo, kinondena ang ulat na pagpugot sa isa na namang hostage
Mariing kinondena ng National Ulama Conference (NUCP) ang pagpugot sa isa na namang hostage ng Abu Sayyaf Group na si Robert Hall.
Si Hall ang ikalawang Canadian na sinasabing pinugutan ng bandidong grupo kahapon makaraang mapaso ang deadline para bayaran ang hinihinging ransom para ito’y mapalaya.
Ayon kay Alih Ayub, national secretary-general ng NUCP, maging sila ay nalulungkot sa pangyayari.
Ikinadismaya rin ng naturang grupo ang kawalan tulong mula sa mga opisyal ng barangay at lokal na pamahalan na siyang susi sana upang mapuksa ang pamamayagpag ng bandidong grupo sa Mindanao.
Kinondena rin ni Sulu Vice Governor Abdusakur Tan ang ginawang pagpatay sa hostage.
Hindi aniya maka-Islam ang ginawa ng bandidong grupo dahil pera lamang ang hanap ng mga ito.
Samantala, sa panayam ng Inquirer, muling nanawagan ng tulong ang nalalabing bihag na sina Marites Flor at Norwegian na si Kjartan Sekkingstad na sila’y tulungan upang mapalaya sa kamay ng mga Abu Sayyaf.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.