‘Mandurukot’ sa NAIA, ‘black eye’ sa turismo ng Pilipinas

March 01, 2023 - 09:22 AM

Posibleng maapektuhan ng panibagong insidente ng ‘pandurukot’ sa NAIA ang kampaniya ng Department of Tourism (DOT) na pasiglahin ang turismo sa bansa simula ngayon taon.

Ito ang paniniwala ni House Deputy Speaker Ralph Recto matapos ma-‘hulicam’ ang pagdukot ng isang kawani ng Officer for Transportation Security (OTS) ng Department of Transportation (DOTr).

“A few erring OTS employees have dealt the nation a black eye. Na-tag na nga ang NAIA as one of the world’s worst airport, lalo pang pinalala ng insidenteng ito,” ani Recto.

Pagbabahagi pa ng kongresista mula sa Batangas na ngayon taon, napaglaanan ng P346 milyong pondo ang OTS at nangangahuliugan na halos P1 milyon ang gastos ng gobyerno sa naturang ahensiya kada araw.

May bahagi din aniya ang OTS sa sinisingil na terminal fees, na P300 kada pasahero ng domestic flights at P750 naman sa international flights.

Kaakibat ng terminal fees ay ang pagbibigay seguridad sa gamit ng mga pasahero, dagdag pa ni Recto.

Dapat aniya magkasa ng mga bagong programa ang DOTr at airport officials para mabura ang naging pangit na impresyon ng mundo sa huling insidente sa NAIA Terminal 2.

TAGS: dotr, NAIA, OTS, scandal, dotr, NAIA, OTS, scandal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.