NEDA chief sinabing delikado sa ekonomiya ang wage hike

March 01, 2023 - 05:53 AM

Delikado sa lokal na ekonomiya ang pagtaas sa minimum wage sa kabila ng pagtaas ng halaga ng mga pangunahing bilihin.

Ito ang pangamba ni National Economic and Development Authority (NEDA) Sec. Arsenio Balisacan na kanyang ibinahagi sa pagdinig sa Kamara.

“We can’t do that. If we want to bring this country to the league of our neighbors, the safest thing to do to increase wages is by way of expanding economic activities and that means a lot of investments that need to be made to complement labor,” paliwanag nito sa mga mambabatas.

Kinilala naman nito ang mataas na halaga ng mga pagkain ngunit diin niya pinagsusumikapan naman ng gobyerno na masolusyonan ito sa pamamagitan ng mga proyekto, tulad ng pagsasa-ayos ng mga sistemang pang-irigasyon, paggamit ng teknolohiya at mabilis na pagdala ng mga produkto sa mga pamilihan.

Sa ngayon, P533 hanggang P570 ang daily minimum wage sa Metro Manila at P306 hanggang P470 naman sa ibang lugar.

 

 

TAGS: Inflation, minimum wage, neda, taas sahod, Inflation, minimum wage, neda, taas sahod

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.