Umabot sa P5.9 bilyon ang kinita ng Manila Water noong nakaraang taon.
Sa inilabas na pahayag ng Manila Water, pagpapakita ito na sumigla na ang pangangailangan sa tubig dahil na rin sa pagpapasigla ng ekonomiya sa kanilang service areas.
Sinabi din na sa kabila ng mga hamon, itinuloy ng Manila Water ang kanilang mga proyekto para makasunod sa kanlang ‘regulatory and service commitments.’
Tumaas ng 11 porsiyento o P22.8 bilyon ang ‘consolidated revenues’ dahil na rin sa pagbangon ng kanilang commercial at industrial accounts sa East Zone, gayundin ang 30% pagtaas sa kita sa Non-East Zone – Philippine business.
Noong nakaraang Nobyembre, humingi ng permiso ang Manila Water sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) para sa Rate Rebasing Service Improvement Plan sa East Zone.
Sa naturang plano, magbubuhos ang Manila Water ng halos ₱100 bilyon sa susunod na limang taon para sa mga proyekto na magpapaganda pa ng kanilang serbisyo, kasama na ang pagpapalawak ng sakop at pagpapalaki ng kapasidad ng kanilang wastewater system.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.