Grupong Piston handang sumali sa one-week transport strike

 

Nagpahayag na ng kahandaan ang Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (Piston) na sumama sa inanunsiyong isang linggonhg tigil-pasada ng isang grupo ng mga kapwa operators at drivers.

Sinabi ni Piston national president Mody Floranda mali, mapanlinlang at mapaniil ang planong ‘consolidation’ sa mga may prangkisa ng pampasaherong jeep.

Diin niya paglabag ito sa kanilang mga karapatan at pribilehiyo bilang may hawak ng prangkisa.

Paliwanag pa ni Floranda tanging ang mga malalaking korporasyon lamang ng may franchise holders ang may kakayahan na makasunod sa guidelines sa katuwiran na sila lamang ang may pera.

Una nang nag-anunsiyo ang grupong Manibela ang hindi nila pagpasada ng isang linggo simula sa darating na Marso 6 at lalahok aniya ang may 100,000 operators at drivers sa buong bansa.

Sa Metro Manila, sinabing may 40,000 drivers at operators ang kakasa sa tigil-pasada.

Read more...