Konkretong plano ng gobyerno sa modernisasyon ng public transport vehicles hinanap ni Binay

By Jan Escosio February 28, 2023 - 05:41 PM
Lumutang, ayon kay Senator Nancy Binay, ang kakulangan ng konkretong plano ng gobyerno sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) sa pagbabanta ng isang linggo na tigil-pasada ng public transport sector.   “Nakakalungkot kasi parang walang konkretong programa ang gobyerno para saluhin yung madi-displaced ng PUVMP,” himutok ni BInay.   Diin niya, taon-taon na lamang ay isyu ang hindi nagagamit na budget ng Department of Transportation (DOTr) para sa PUVMP at hindi pa ito nabibigyang linaw.   “Yes we need to modernize, but there should be a comprehensive and concrete programs based on a just transition principally because transport is an essential sector,” sabi pa ng senadora.   Aniya masakit na tanggapin na tila napapabayaan ng gobyerno ang mga manggagawa sa sektor ng pampublikong transportasyon at dahan-dahan silang na nawawalan ng kabuhayan.

TAGS: Jeep, modernization, Nancy Binay, news, phase out, Radyo Inquirer, Jeep, modernization, Nancy Binay, news, phase out, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.