Mga dagdag na miyembro ng Duterte Cabinet, pinangalanan

 

Mula sa inquirer.net

May mga dagdag na personalidad na magiging miyembro ng susunod na Gabinete ang tinukoy na ni incoming President Rodrigo Duterte.

Sa pamamagitan ng isang video message, kinilala ni incoming deputy presidential assistant spokesperson Ernie Abella ang susunod na magiging Kalihim ng Department of Health, Deaprtment of Tourism at Department of Trade and Industry.

Si Assistant Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial ang uupo bilang bagong DOH Chief, samantalang si Wanda Corazon Teo na kapatid ng mamamahayag na si Ramon Tulfo at may-ari ng Mt. Apo Travel and Tours ang magiging Tourism Secretary.

Magsisilbi naman bilang Trade and Industry Secretary sa ilalim ng Duterte administration ang executive director ng Go Negosyo na si Ramon Lopez.

Magsisilbi naman bilang pinuno ng Commission on Higher Education (CHED) si dating Lyceum professor Jose David Lapuz.

Si Lapuz ay dating propesor ni Duterte.

Read more...