Koleksyon sa BOSS ng Taguig LGU humataw sa P4.38-B
By: Jan Escosio
- 2 years ago
Tumaas pa ng P1.17 bilyon ang nakolektang business taxes ng pamahalaang-lungsod ng Taguig sa pamamagitan ng Business One Stop Shop (BOSS) ngayon taon.Sa kabuuan, umabot sa P4.38 bilyon ang nakolekta ng lokal na pamahalaan.Bunga ito ng kautusan ni Mayor Lani Cayetano na magkasa ng bagong sistema para sa maayos at mabilis na pagbabayad ng mga buwis ng mga may negosyo sa Taguig City.Nabatid na pinagsama na ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) at ang City Treasurer’s Office ang paningil ng barangay fees kayat hindi na kailangan pa ng hiwalay na clearance mula sa barangay..Pagbabahagi naman ni BPLO chief, Atty. Tes Veloso dahil sa mga mga bagong protocols nabawasan na rin ang requirement kayat bumilis at mas naging madali ang pag-proseso ng permits.Sa ilalim ng BOSS 2023, maaring magproseso ng business permits sa SM Aura Satellite Office at Convention Center sa bagong City Hall.Ayon naman kay City Treasurer Voltaire Enriquez, mas napagbuti hindi lamang ang koleksyon ng buwis kundi maging ng operasyon ng BOSS na rin sa pangkalahatan dahil sa papuri ng kanilang mga kliyente.