Isang oil tanker na may kargang 800,000 litro ng industrial fuel oil ang lumubog sa karagatan ng Balingawan Point sa Naujan, Oriental Mindoro.
Ayon sa Philippine Coast Guard, ipinadala na ang BRP Melchora Aquino at airbus helicopter para magsagawa ng surveillance at assessment.
Nais kasi ng PCG na malaman kung nagkaroon ng oil spill.
Sa ulat ng PCG, umalis ng Bataan ang MT Princess Empress sakay ang 20 crew at patungo sana sa Iloilo.
Pero habang nasa biyahe, nagkaaberya ang makina ng barko bandang 2:00 ng madaling araw kanina.
Nabatid na nag-overheat ang makina ng barko.
Dumagdag pa ang malalakas na alon sa lugar.
Dahil ditto, kalahati sa barko ang lumubog.
Napadpad pa ang barko sa bisinidad ng Balingawan Point.
Na-rescue naman ng dumaang barko na MV Efes 20 crew ng barko at dinala na sa Port of Subic Bay.
Ligtas naman ang mga crew at walang nasugatan.