Political, security at economic cooperation, tatalakayin nina Pangulong Marcos at PM Anwar Ibrahim

By Chona Yu February 28, 2023 - 01:44 PM

 

Bibisita sa bansa si Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim.

Ayon sa pahayag ng Palasyo ng Malakanyang nasa Pilipinas si Ibrahim sa Marso 1 at 2.

Ito ang unang official visit ni Ibrahim sa Pilipinas mula nang maging prime minister noong Nobyembre.

Magkakaroon ng bilateral meeting si Ibrahim kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng 4:00 ng hapon bukas sa Palasyo ng Malakanyang.

Tatalakayin ng dalawang lider ang usapin sa political, security  at economic cooperation, people-to-people, halal industry collaboration at digital economy cooperation.

Inaasahang magkakaroon din ng palitan ng pananaw ang dalawang lider sa usapin sa regional at international issues.

Magsasagawa rin ng dinner banquet ang Pangulo para kay Ibrahim.

Si Ibrahim ang unang head of government na bibisita sa bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos.

 

 

TAGS: Anwar Ibrahim, Ferdinand Marcos Jr., news, official visit, Radyo Inquier, Anwar Ibrahim, Ferdinand Marcos Jr., news, official visit, Radyo Inquier

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.