Sangla-ATM modus nais nang matuldukan ni Sen. Raffy Tulfo

By Jan Escosio February 28, 2023 - 12:38 PM

 

 

Sinabi ni Senator Raffy Tulfo na dapat ay ipagbawal na ng gobyerno ang modus ng ilang kompaniya na nagpapa-utang na may ‘sangla-ATM card’ modus.

Ayon kay Tulfo marami sa biktima ng naturang modus ay mga pensioner, ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS).

Bagamat aminado ang baguhang senador na pinapatulan ang mga ganitong istilo dahil sa labis na pangangailangan sa pera.
Ngayon walang batas na nagbabawal sa paggamit ng ATM card bilang collateral sa utang.

Diin ni Tulfo kung may batas ay mapaparusahan na ang mga gumagamit ng ganitong modus.

Nagpahayag naman ng suporta si Majority Leader Joel Villanueva sa nais ni Tulfo sa katuwiran na mga nasa marginalized sector, tulad ng indigent senior citizens ang nabibiktima ng mga mapang-abusong kompaniya.

TAGS: atm, news, Radyo Inquirer, Raffy Tulfo, sangla, atm, news, Radyo Inquirer, Raffy Tulfo, sangla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.