Pagbuo ng Maharlika Investment Fund sinuportahan ng SEC
Walang nakikitang mali ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa paggamit ng pondo ng ilang ahensiya ng gobyerno para sa paunang kapital ng isinusulong na Maharlika Investment Fund (MIF). Sinabi ito ng PSE sa pagdinig ng Senate Committee on Banks, na pinamumunuan ni Sen. Mark Villar, sa mga panukalang pagkakaroon ng bansa ng sovereign wealth fund. Ayon sa PSE sa kalagayan ng Pilipinas ngayon, nangangailangan ang bansa ang karagdagang pamumuhunan para masuportahan ang ibat-ibang social service programs ng gobyerno. Sinabi pa ng ahensiya na walang masama kung paghugutan ng paunang kapital sa MIF ang ilang government owned and controlled corporations (GFIs) at government financial institutions (GFIs). Maliit lamang din ang posibilidad, ayon sa PSE, na malugi ang mga paggagamitan ng MIF gaya ng 140 bansa na may kanya-kanyang sovereign wealth funds. At para mapabilis pa ang pagpapalago sa ekonomiya ng bansa dapat ay madaliin na ang pagsisimula ng MIF, dagdag pa ng PSE.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.