8 Pinoy na biktima ng human-trafficking sa Cambodia balik-Pilipinas na

By Jan Escosio February 28, 2023 - 12:09 PM

Nakauwi na ng bansa ang walong Filipino na sapilitan na pinag-trabaho bilang scammers ng crypto-curency sa Cambodia.

Ayon kay Sen. Risa Hontiveros nagpunta sa kanyang opisina ang mga biktima ng human-trafficking at kanya-kanya ang mga ito sa pagbabahagi sa kanilang mapait na karanasan sa Cambodia.

Pinasalamatan din nila ang senadora sa pagtulong sa kanila.

Sinabi ng senadora na maraming hirap na dinanas ang mga biktima sa kamay ng mga Chinese mafia tulad ng hindi pagpapasweldo, hindi pinapakain ng maayos, hindi pinapatulog at kung hindi maka-scam ng tao ay pinagbabantaan din ang mga ito na sasaktan. Pinasalamatan naman ni Hontiveros ang Department of Foreign Affairs (DFA) dahil sa mabilis na pag-aksyon sa nasabing problema, gayundin sa Cambodian police dahil sa walang tigil na koordinasyon sa ating embahada, at sa mga civil society organizations at mga indibidwal na tumulong sa sa mga pangangailangan ng mga biktima.

TAGS: Cambodia, news, Radyo Inquirer, Risa Hontiveros, Cambodia, news, Radyo Inquirer, Risa Hontiveros

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.