Bilang ng bagong COVID 19 cases bumaba pa – DOH

By Jan Escosio February 27, 2023 - 08:38 PM

Walang malubha o kritikal ang kondisyon sa 832 bagong kaso ng COVID 19 sa bansa na naitala noong Pebrero 20 hanggang kahapon, Pebrero 26.

Sa latest case bulletin ng Department of Health (DOH), ang bilang ay mababa sa pitong porsiyento kumpara sa naitala noong Pebrero 13 hanggang Pebrero 19.

Ang bagong weekly average ng mga kaso ay 119.

Kasabay nito, may nadagdag na 78 sa mga namatay, dalawa ay naitala noong Pebrero 13 hanggang kahapon.

Samantala, sa kabuuang bilang ng mga nasa ospital na pasyente, 370 ang kritikal ang kondisyon o 9.1 porsiyento.

TAGS: COVID-19, critical, doh, severe, COVID-19, critical, doh, severe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.