Sa pagtatapos ng buwan ng Pebrero, magbabawas ng presyo ng kanilang mga produkto ang mga kompaniya ng langis sa bansa.
Sa magkakahiwalay na abiso ng Caltex, Cleanfuel, Jetti, Petro Gazz, Phoenix Petroleum, Seaoil, Shell at Unioil bababa ng P0.70 ang kada litro ng gasolina, samantalang P1.30 naman ang mababawas sa presyo ng diesel.
Ang Caltex, Seaoil at Shell ay nagsabing matatapyasan ng P1.80 ang kada litro ng kanilang kerosene, na ikaapat ng sunod na linggo na bumaba ang presyo.
Sinabi na ang pagbuti ng suplay ng langis sa Estados Unidos ang dahilan nang pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang-pamilihan.
Simula noong Enero, tumaas na ng P8.10 ang kada litro ng gasolina, P1.90 sa diesel at P1.80 naman sa kerosene.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.