Koko iniapila sa GSIS ang kawalan ng pensyon ng elected officials, staff
Hinikayat ni Senate Minority Leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel III ang Government Service Insurance System (GSIS) na payagan ang mga nahalal na opisyal at kanilang staff na maipagpatuloy ang kanilang kontribusyon hanggang 15 taon.
Sinabi ni Pimentel na marami sa mga nahalal na opisyal ang walang pensyon dahil natitigil ang kanilang kontribusyon sa pagtatapos ng kanilang termino, na karaniwan ay siyam na taon.
“I appeal for our local officials and their staff who have served nine years in government but cannot qualify for the pension program due to the 15-year minimum service requirement under Republic Act 8291,” ani Pimentel.
Dagdag pa ng senador: “I am saddened to learn that there are so many elected officials and public servants holding temporary and co-terminus status on the national and local levels who would retire without a retirement fund and pension only because they have not met the 15-year minimum service requirement.”
Pagpapakita aniya ito nga diperensiya sa termino ng mga nahahalal sa posisyon sa gobyerno at ng 15-year minimum requirement para sa pensyon.
“That provision of RA 8291 is very unfair for government employees and elected officials who fall short of the minimum 15-year service required under the law,” sambit pa ni Pimentel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.