Mga bangkay mula sa bumagsak na Cessna plane hirap maibaba

By Jan Escosio February 27, 2023 - 05:45 AM

MAYOR BALDO FB PHOTO

Kundi ngayon  ay maaring bukas pa maibababa ang mga labi ng apat na sakay ng bumagsak na sa Cessna plane malapit sa bibig ng Mayon Volcano.

Sinabi ni Camalig Mayor Carlos Baldo na mahirap ang pagbaba sa mga bangkay dahil sa masamang panahon at ang tarik ng dadaanan ng government responders.

Pagbabahagi ng opisyal sa kanyang Facebook post, may suhestiyon na sa bawat bangkay, 20 responders ang magsasalitan sa pagbababa kada 200 hanggang 300 metro.

Kapag aniya nakakita ng ligtas na landiing area ang mga tauhan ng Philippine Air Force (PAF) ay kokolektahin na doon ang mga labi.

Banggit pa ni Baldo na humigit-kumulang 650 indibiduwal na ang sangkot sa isinagawang search and rescue na naging search and retrieval operations simula noong Pebrero 18.

Una nang kinilala ang mga biktima na sina Capt Rufino James Crisostomo Jr., ang crew na si Joel Martin at ang dalawang Australian consultants na sina Simon Chipperfield at Karthi Santana, ng Energy Development Corp.

 

TAGS: Albay, mayon, PAF, plane crash, rescue, Albay, mayon, PAF, plane crash, rescue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.