Mababawasan ang presyo ng mga produktong-petrolyo ngayon linggo.
Inaasahan na P1.40 hanggang P1.70 ang mababawas sa kada litro ng diesel, samantalang P0.70 hanggang P1 naman ang ibaba ng halaga ng gasolina.
Mas malaki na ito kumpara sa pagtaas ng P1.05 sa diesel at P0.90 naman sa gasolina noong nakarang linggo.
Ngayon taon, bumaba na ng P1.10 ang halaga ng kada litro ng diesel at P0.50 naman sa kerosene.
Samantala, P6 na ang itinaas ng halaga ng kada litro ng gasolina.
Bukas, araw ng Martes, inaasahan ang panibagong paggalaw sa halaga ng mga produktong-petrolyo.
MOST READ
LATEST STORIES