Pananambang kay Mayor Ohto Montawal, pinatututukan sa PNP

 

Pinaiimbestigahan na ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa Philippine National Police ang pananambang kay Mayor Ohto Montawal  ng Tunggol, Datu Montawal, Maguindanao del Sur, sa Lungsod ng Pasay noong Pebrero 22.

Nakaligtas sa kamatayan si Montawal.

Utos ni Abalos sa PNP, mahigpit na bantayan at dagdagan ang seguridad para kay Mayor upang siguruhin ang kanyang kaligtasan mula sa anumang pagtatangka sa kanyang buhay.

Hangad ni Abalos ang agarang paggaling ni Montawal para makunan ng pahayag kaugnay sa nangyaring insidente.

Samantala, nakatutok ngayon ang PNP Station Special Investigation Team o SSIT “Montawal” upang tugisin ang mga salaring responsable sa pananambang at alamin ang posibleng motibo ng mga suspek.

Ilang testigo na ang lumutang  upang ilahad ang kanilang nasaksihan.

 

 

Read more...