Mas pinadali at pinabilis pa ngayon ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang pagbabayad sa mga traffic violation.
Ito ay matapos buksan ng Quezon City ang online system para sa pagbabayad ng Ordinance Violation Receipt (OVR).
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, hindi na mahihirapan ang mga traffic violators na ayusin ang multa dahil sa online payment na.
“Mas madali at mabilis nang magbayad ng multa ngayon sa tulong ng ating online payment system na makikita sa official website ng ating siyudad,” pahayag ni Belmonte.
“Ngayon, wala nang pwedeng idahilan ang mga violator na hindi sila makapagbayad ng multa dahil wala silang panahong magpunta ng personal sa City Hall,” pahayag ni Belmonte.
Sinabi naman ni Dexter Cardenas, Traffic and Transport Management Department (TTMD) Officer-in-Charge na mahihikayat na ngayon ang mga traffic violators na bayaran ang multa.
“Ito’y isang pagkakataon sa kanila na ayusin ang kanilang multa para makaiwas sa iba pang problema na maaaring idulot nito sa hinaharap,” pahayag ni Cardenas.
Maaring bisitahin ang e-services portion (https://qceservices.quezoncity.gov.ph) ng QC government official website at mag register para gumawa ng account.
Kapag nakapagpa-rehistro na, i-clik ang “OVR Online Payment” icon sa QC E-Services at i-enter ang OVR Ticket Number at apelyido ng violator.
May pagpipilian ang violator sa pagbabayad sa online Ito ay maaring bayaran sa Gcash, PayMaya and PayGate o over the counter sa Landbank fund transfer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.