Zelensky nais makipagpulong kay Xi

 

Balak ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na makipagpulong kay Chinese President Xi Jinping.

Ito ay para talakayin ang panukala ng China na tumulong para matapos na ang panggi-giyera ng Russia sa Ukraine.

Naniniwala si Zelensky na tutulong ang China para makamit ang kapayapaan sa Ukraine at hindi para suplayan ng armas ang Russia.

Wala pa namang tugon ang China sa pahayag ni Zelensky.

Una rito, sinabi ni US Secretary of State Antony Blinken na balak ng China na mag-suplay ng armas sa Russia.

 

 

Read more...