Maguindanao mayor nakaligtas sa ambush sa Pasay City

By Jan Escosio February 23, 2023 - 02:21 PM

MAYOR MONTAWAL FB PHOTO

Nakaligtas sa pagtatangka sa kanyang buhay ang isang mayor sa Maguindanao kagabi sa Pasay City.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala si Mayor Ohto Montawal, ng bayan ng Datu Montawal at ngayon ay patuloy na ginagamot sa Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa City.

Base sa ulat, sakay si Montawal ng isang Toyota Hi-Ace (NCN 7620 at binabagtas ang Service Road ng Roxas Boulevard ala-6:30 nang lumapit ang dalawang salarin at ang isa sa kanila ay pinagbabaril ang sasakyan ng opisyal.

Tumakas ang dalawang salarin patungo sa direksyon ng Gil Puyat (Buendia) Avenue, samantalang isinugod sa isang ospital sa Maynila si Montawal.

Sinusuri na ang CCTV footages ng barangay na nakakasakop sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

Kasama ni Montawal sa sasakyan si Ronald Caumbo, ang planning officer ng pamahalaang-bayan ng Datu Montawal at siya ang nagsisilbing testigo sa kaso.

Nabatid na kabilang ang biktima sa mga dumalo sa pulong ng League of Municipalities in the Philippines (LMP)

 

 

 

TAGS: ambush, lmp, maguindanao, Mayor, Pasay City, ambush, lmp, maguindanao, Mayor, Pasay City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.