Sa kabila ng matinding protesta ng Pilipinas at iba pang bansa sa isang insidente kamakailan, marami pa ring Chinese vessels ang nananatili sa Ayungin Shoal at Sabina Shoal sa West Philippine Sea.
Base ito sa impormasyon mula sa Philippine Coast Guard (PCG), na nagsagawa ng aearial inspection at nakita ang mga barko ng Chinese Coast Guard at Chinese militia vessels na nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Nabatid na 26 Chinese vessels ang nakapaligid sa Sabina Shoal, samantalang apat na milita vessel ang nasa Ayungin.
Napansin din ang isang CCG vessel malapit sa BRP Sierra Madre, ang isinadsad na barko ng Philippine Navy.
Idinagdag pa ng PCG na ilang ulit na nakatanggap ang kanilang eroplano ng ‘radio challenge’ at sinagot din nila ang Chinese.
Noong nakaarang linggo, ibinahagi ng PCG ang paggamit sa kanila ng CCG ng military-grade laser light malapit sa Ayungin Shoal.
Naghain ng panibagong diplomatic protest ang Pilipinas sa China at ipinatawag din ni Pangulong Marcos sa Malakanyang si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.