New Zealanders sa Pilipinas pinag-iingat dahil sa Makati incident
Nagpalabas ang gobyerno ng New Zealand para sa kanilang mga mamamayan na nandito sa Pilipinas.
Ibayong pag-iingat ang ibinilin ng gobyerno kasunod na rin ng pagkakapatay sa isang New Zealander noong Linggo sa Barangay Palanan, Makati City ng dalawang sakay ng motorsiklo.
Kinilala ang biktima na si Nicholas Peter Stacey, 34.
“New Zealanders in the Philippines are advised to be security conscious at all times and should avoid walking and travelling at night, particularly to isolated areas. No resistance should be given if you are the victim of a robbery, mugging, or carjacking as this could lead to an escalation in violence,” ayon sa abiso.
Dagdag babala din sa New Zealander na iwasan ang mga criminal gangs sa Metro Manila at nabanggit pa ang mataas na antas ng bayolenteng krimen sa Pilipinas.
“There are high rates of violent crime throughout the Philippines, including armed robbery, assault and murder. Criminal gangs are active in the Manila area, and have drugged and robbed unsuspecting tourists. Crime is more prevalent at night, particularly in urban areas,” nabanggit sa pahayag.
Idinagdag pa: “Gun ownership is widespread and poorly regulated. Gunfights between police and criminals are not uncommon, including in tourist areas in Manila. Bystanders are often caught in the crossfire and have been injured and killed in such incidents.”
May payo din iwasan ang pagsusuot at pagdadala ng mga mamahaling bagay, tulad ng electronic devices, cameras, at alahas.
Pinayuhan din sila na sumakay na lamang sa Grab taxis sa halip na sa ibang uri ng pampublikong transportasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.